Gifts of Healings

BE IT UNTO ME
Don Moen

[Chorus:]
Be it unto me
According to your Word
According to your promises
I can stand secure
Carve upon my heart
The truth that sets me free
According to your Word O Lord
Be it unto me
You promised your blood will deliver
Lord, we believe it's true
You promised us joy like a river
Lord we receive it from you
These things you have spoken
And you're bringing to pass
This world's disappearing
But your word will last
[Chorus]
You promised to carry our sorrows
Lord, we believe it's true
You promised unending tomorrows
Lord we receive them from you
You'll be our Provider
In Your word it's revealed
By the stripes that You bore
Lord We have been healed

Exalt: “Be It Unto Me”
Empower: 1 Corinthians 12:9; Luke 8:43,47; Acts 28:7-9; Mark 7:32-35; Matthew 8:1-3; 21:22; Romans 10:17

1 Corinto 12:9- Ang ibaʼy… binigyan ng kakayahang magpagaling sa mga may sakit (ASND). […to another gifts of healings by the same Spirit (NKJV)]

Ang gifts of healings ay isa sa mga power gifts na maaaring ninanasa ng karamihan na magkaroon sila nito, ngunit iilan lamang ang may pananalig o lakas ng loob na sumubok nito. [Take note: “gifts” and “healings” are both plural (may signify different kinds of sickness and diseases that need “healings”)]. Tayo’y umaasa na ang talakaying ito ang magbukas sa mga mata at magbigayliwanag sa mga pinagkalooban nito (gifts of healings) at lakas ngloob (confidence/faith) na gamitin ito sa ikatitibay ng iglesia.

Kalooban ng Diyos na ang bawat isa sa atin ay hindi lamang makatamo ng kagalingan mula sa anumang sakit o karamdaman, kundi mabuhay tayong may magandang kalusugan. Bagamat maraming paraan upang ang tao ay gumaling at maging malusog: nandyan ang mga sumusubok sa natural or ancient healings (e.g.
acupuncture, herbal medicines); ang iba naman ay sa pamamagitan ng medical practices (of doctors) and advanced technology in medicine. Walang masama sa mga ito, pero unawain natin na mayroon ding ibinigay ang Diyos na kapangyarihan
(power and authority) sa bawat mananampalataya na maaari ding gamitin kung kinakailangan upang magpagaling ng maysakit. We cannot limit the power of the Holy Spirit that is in every believer. Maari mong patungan ng kamay at ipanalangin ang sinumang may sakit at mararanasan niya ang kagalingan (divine healing). Marami tayong mababasa sa Biblia na gumaling dahil sa kapangyarihan (through the Holy Spirit) na na kay Hesus. Isang halimbawa ay ang babaeng labindalawang (12) taon nang dinudugo at hindi mapagaling ninuman, ngunit dahil sa kanyang pananampalataya na mahawakan lang niya ang laylayan ng damit ni Hesus siya’y gagaling, immediately, naranasan niya ang kagalingan. Dumaloy sa kanya ang kapangyarihan na na kay Hesus (Luke 8:47).

We, Christians, have the power that is working in us (Romans 8:11). That power comes from within (from the inside out). Oo, kapatid, mayroong kapangyarihang dumadaloy mula sa iyong espiritu na maaari mong gamitin sa oras ng pangangailangan. We can all experience both to heal and be healed by faith. Anumang hilingin ninyo sa Dios sa panalangin ay matatanggap ninyo kung sumasampalataya kayo (Mateo 21:22 ASND).

Gayunpaman, mayroong sinasabi ang Salita ng Diyos na binigyan ng natatanging kaloob na magpagaling ng may sakit (gifts of healings). Kung paanong ipinamalas ni Hesus ang kalooban ng Ama nang magpagaling Siya ng iba’t-ibang uri ng karamdaman, nais Niyang ipagpatuloy ng iglesia ang ministeryo Niya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, kaya naman nagbigay Siya (sa mga niloob Niyang magkaroon nito) ng kakayahang (a supernatural ability) magpagaling sa mga may sakit. Ito’y upang ang bawat kasapi ng iglesia ay mapalakas at tumibay sa pananampalataya. Ipinamalas ni Pablo ang kaloob na ito nang pagalingin niya ang ama ni Publius na nagpatuloy sa kanila sa isla ng Malta; pinagaling din niya ang ibang mayroong karamdaman sa lugar na iyon (Acts 28:7-9). Note that healings that are manifested through the gifts of healings are also divine and supernatural in nature.

Like all other gifts of the Holy Spirit, this gift can be activated through faith alone. Tandaan na hindi ikaw ang nagpapagaling, ang Banal na Espiritu, pakinggan mo lamang ang Kanyang tinig, paniwalaan at sundin kung ano ang Kanyang ‘pinapagawa. Purihin ang Diyos sa kaloob na ito na magagamit sa ikalalago at ikatitibay ng Kanyang iglesia (church).

Elevate: Application/suggested question:
1. Ninanasa mo ba na magkaroon ka ng kakayahang magpagaling ng mga may sakit (gifts of healings)? [Maaaring kaya mo ninanasa ito ay dahil mayroon ka nito pero hindi mo pa lang nagagamit.] May kakilala ka bang may sakit? Maaari mo siyang ipanalangin ngayon ayon sa patnubay ng Banal na Espiritu.

Announcement:
CFSM Convention on December 27-29, 2023

AI Website Creator
Free Web Hosting